Illegal recruitment pays?

No wonder na napakaraming nabibiktima pa rin ng illegal recruitment sa Pilipinas para sa mga pekeng patrabaho sa ibang bansa.

Napakababa pala kasi at talagang shocking ang conviction rate ng government prosecutors sa illegal recruitment cases.

Batay sa datos ng isang OFW advocacy group, sa 700 cases ng illegal recruitment na ini-refer ng ­Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Department of Justice (DOJ) sa huling limang taon, 31 cases lang ang nagresulta sa convictions.

Wala pang 10 percent ang conviction batting average kung kaya huwag na tayong magtaka kung marami­ pa ring naglipanang illegal recruiters.

In the case of many illegal recruiters, crime indeed does pay, which means the payoff is big enough to take the small risk of going to jail.

Game-changer

Siguro magiging game-changer kung mabalik ang parusang bitay at mapasama ang illegal recruitment na bumiktima ng 50 katao sa pwedeng patawan ng capital punishment.

Tanong: Ano kaya ang nangyari sa may 670 cases­ ng illegal recruitment na hindi nagresulta sa convictions? Dininig ba sa korte ang mga reklamo o sa DOJ pa lang ay nabasura na ang mga kaso for a fee?

Dapat ay magkaroon ng full accounting ang POEA at DOJ sa breakdown ng illegal recruitment cases  alin ang mga naipanalo at alin ang mga natalo  para­ ma-improve ang nakakadismayang conviction rate na nabanggit.

Manhunt

Kaugnay nito ay nakakasa na ang manhunt para sa mga may-ari at staff ng dalawang travel agencies­ na ­inireklamo ng illegal recruitment ng 200 nabiktima­ nila umano mula Marso hanggang Mayo ngayong 2016.

Kinilala ng POEA ang Bantayog Travel and Tours at ang PADS Travel and Tours na sangkot sa wide scale illegal recruitment ng mga biktima na hinikayat nila sa pamamagitan ng social media na mag-aplay sa non-existent na patrabaho.

Ang mga may-ari at staff ng dalawang travel­ agencies­ ay nahaharap sa kasong large-scale syndicate­d illegal recruitment at estafa, ayon sa POEA.

P350K pay

Ang mga biktima ay pinangakuan ng trabaho sa Australia, New Zealand at Germany kapalit ng placement fee na P70,000 hanggang P90,000 para sa ­pasweldong hanggang P350,000 daw.

Kasabwat din daw ng dalawang travel agencies­ ang Visa Assist Fortune Diamond Reyes, na ­siyang nag-refer sa mga biktima sa nasabing ­travel ­agencies.

Remember, sa ilalim ng Overseas Migrant Workers Act ay illegal na mag-recruit ang lahat ng ­travel and tours agencies.

Mababasura rin?

Time will only tell kung may kalalabasan ang mga kasong isasampa laban sa dalawang travel firms o kung tulad ng 670 kaso ng illegal recruitment na ini-refer ng POEA sa DOJ ay mauuwi lang sa wala.

Follow Me on Twitter @beeslist. Kung may ­ipinagsisintir, itawag sa telephone numbers 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.