PAOAY, Ilocos Norte — Patay matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo ng isang Small Town Lottery (STL) operator sa Paoay, Ilocos Norte.

Kinilala ni Police Chief Inspector Joseph Bal­tazar ang biktimang si Edna Mendoza Cinen ng Vigan City na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng sinasakyang motorsiklo ni Cinen at ang kanyang mga angkas na sina Klein Paul Cruz at Justine Solinen nang ito’y salpukin sa likod ng isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Wilfred Macamos kaya sila sumemplang sa kalsada.

Nagtamo si Cinen ng malaking sugat sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang ang mga kasamahan nito ay nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan.