Una nang itinanggi ng singer na si Shawn Mendes na isa siyang bakla.
Pero ang isyu sa kanya ay hindi mamatay-matay. Sa interbyu ng Rolling Stone kay Shawn, naitanong na naman ang kanyang kasarian.
Muli, he is shutting down rumors he’s gay kung saan ilang taon na ‘yun ang espekulasyon sa kanya ng mga tao.
Ayon sa 20 years old singer sa RS, sobra na raw siyang nai-stress kapag ang personal na niyang buhay ang tinatanong lalo na ang kanyang gender.
Sambit ni Shawn: “I’d like to say I don’t care about it, but that’s not true. This massive, massive thing for the last 5 years about me being gay.”
Eksplika pa ng singer sa lahat daw na interbyu niya ay nire-review at ina-analyze niya… ang kanyang boses, body language para raw makita niya kung ano ba ang nagiging batayan ng mga taong nagsasabi na siya ay bakla.
Aniya sa RS: “In the back of my heart, I feel like I need to go be seen with someone — like a girl — in public, to prove to people that I’m not gay.”
Alam naman daw niya na walang masama kung siya ay gay, pero minsan ay nagagalit din siya kapag napag-iisipan siya na may other side.
Pag-amin ni Mendes, nakaugalian na raw kasi niya na habang lumalaki ay naglalagay ng glitter sa kanyang eyelids para lang pasayahin ang mga magulang. Lumaki raw kasi siya na 15 mga pinsang babae ang nakapalibot sa kanya at mga kalaro. Nagbi-braid ng buhok at naglalagay ng cutix.
“Maybe I am a little more feminine — but that’s the way it is. That’s why I am me.”
Years ago, pinaliwanag na rin ni Mendes ang kanyang sexuality sa isang Snapchat. Aniya: “I noticed a lot of people were saying I gave them a ‘gay vibe’ … first of all, I’m not gay. Second of all, it shouldn’t make a difference if I was or wasn’t.”
Matatandaang naging girlfriend ni Shawn si Hailey Baldwin kung saan pinakikita ng dalawa ang kanilang PDA noon sa bawat kuha nila ng picture. Naghiwalay ang dalawa at nakipagbalikan si Baldwin kay Justin Bieber na mas naunang naging BF ni Hailey bago si Mendes. Nauwi sa kasalan ang pagbabalikan nina Hailey at Justin.
Si Mendes naman, nang maghiwalay sila ni Baldwin ay wala na uling na-link sa kanyang ibang babae.