Ima, Dulce at Bituin, kabugan sa anniv ng NCCA

Ima Dulce

ANG diva that you love, bago naging entertainment columnist sa aming mapagpalayang pahayagan, pitong taong nagtrabaho sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Naging PDO rin ako sa Committee on Cinema kung saan nakatrabaho ko ang dalawa sa orihinal na troika, the much missed Oskee Salazar at Billy Balbastro.

Ang boss of the komite, the late great film master Eddie Romero.

Kapwa naging secretary ng Committee ang dalawa at ang galing-galing nilang sumuri sa project proposals, lalo na on the matters of budgeting.

Sila rin ang nagsulong na dapat, ang mga nanalo sa film festivals abroad, eh may incentives na ibinibigay ang gobyerno.

Sina Tito Oskee at Tito Billy rin ang nagsulong ng listahan ng important film festivals na dapat, may may proponent na nagsa­sabing sasali sila in exhibition or competition, malaking grant ang ibibigay sa future grantee.

Ang masaya, ang chikahan after the mee­ting. Una munang na­ging secretary si Tito Oskee. Nu’ng matapos ang 3-year term niya, si Tito Billy naman.

***

Star-studded ang 30th anniversary celebration ng NCCA na gunanap sa Sofitel Hotel.

Ang biggest star of the night, na kayguapo-guapo at kaykisig-kisig in his all black ensemble, si Piolo Pascual.

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Sabi ni Papa P, “I’m very thankful to the NCCA for entrusting me with this recognition as your celebrity ambassador for culture.

“Hindi po mada­ling maging artista pero lalong hindi po madali ang magtrabaho at mag­laganap para sa sektor ng mga sining at kultura.”

Si Enchong Dee, sobra ang pasasalamat sa NCCA sa pagtitiwala na keribels niyang maging heritage ambassador.

Ang singer at songwriter na si Ogie Alcasid, inawit ang Kailangan Kita bilang pasasalamat.

Aliw na aliw si Ogie the Pogi sa katotohanang pagkalaki-laki ng tropeong kanyang inuwi.

Lahat ng tropeo ay likha ng mga taga-Mindanao School of Living Traditions.

***

Ang performance highlight ng gabi ay ang medley of songs nina Joey Ayala, Frenchie Dy, Ima Castro, Bituin Escalante at Dulce.

Sa Mapagbago song medley, unang kumanta si Ayala ng kanyang signature song na Walang Hanggang Paalam.

Ang dramarama ni Ayala, nagsimula sa likuran ng venue papuntang stage.

Pagkatapos ni Mr. A­yala… ang unang diva, si Frenchie Dy, ang song of choice, Ako ay Pilipino.

Sigawan mga tao sa birit niya.

Hindi nagpakabog si Ima Castro na ang awit, Tagumpay Nating Lahat.

Enter Bituin Escalante na nagwala ang mga tao sa husay ng pagkakaawit ng Minsan ang Minahal ay ako.

At juice colored! Si Dulce, she brought the house down!

Unang linya lang, Ako ang Nagwagi, Ako Ang Nasawi, todo na ang palakpakan at may kasamang sigawan.

Ang tema ng gabi ay “Lingkod NCCA: Marangal, Malikhain, Mapagbago, Filipino.”