Imbes fireworks videoke na lang!

Taon-taong target ng Department of Health ang zero-casu­alty sa pagsalubong sa New Year, pero hanggang ngayon hindi ito natutupad.

Mula nitong December 21 hanggang December 26, umabot na sa la­bing siyam ang bilang ng mga naputukan. Karamihan – mga lalaki. Isa sa mga ito, kinailangan pang putulan ng bahagi ng katawan.

Pero sa tala ng DOH, mas mababa pa rin nang halos 40% ang bilang na ito kumpara sa nairekord noong isang taon sa parehong panahon.

Nakalulungkot mang isipin pero parang hindi natatauhan ang publiko sa parang sirang plaka nang pagpapaalala ng DOH at iba pang concerned agencies.

Muling paalala ng DOH, huwag nang magtangkang gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok para makaiwas sa disgrasya.

Makuntento na lang daw sa panonood sa mga community fireworks display.

Alamin kung saan ito ipupuwesto sa inyong komunidad o LGU.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, “Puwede namang mag-ingay na hindi paputok ang gagamitin para iwas-disrasya at sakuna.”

Imbes na gumamit ng ipinagbabawal na paputok, alternatibong pampai­ngay na lang ang gamitin sa pagsalubong sa Bagong Taon gaya ng kaldero, torotot, at iba pang noisema­kers.

Para mas masaya rin ang bonding ng pamilya, bakit ‘di na lang subukan ang videoke challenge? Tiyak akong enjoy na ang pamilya, iwas pa kayo sa disgrasya.

Muli ring nagpapaalala ang EcoWaste Coalition sa publiko.

“Firecrackers can cause injuries that can put your lives at serious risk, so please stay safe and never ever play with these dangerous items,” ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner, EcoWaste Coalition.

Ang sa akin lang, imbes na gumasta nang malaki sa pagbili ng mga paputok, gamitin na lang ang extra budget sa pagtulong sa kapwa hi­git lalo sa mga mas na­ngangailangan. Mas magiging makabuluhan pa ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Have a meaningful and safe New Year everyone!