Hindi malayong imbestigahan ng mga senador ang mga kongresista kapag itinuloy sa Kamara ang planong imbestigahan si Sen. Leila de Lima dahil sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NPB) noong ito ang secretary ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay House majority leader Rodolfo Fariñas na malamang na matuloy ang imbestigasyon ng Kamara sa paglaganap ng droga sa NBP subalit paiiralin ang tradisyon sa tinatawag na inter-parliamentary courtesy.

“Ngayon si Sen. De Lima naman ang pumipi­gil lang d’yan ay ‘yung tradition na sinasabing inter-chamber courtesy. Kasi kung imbestigahin mo ‘yung kabila, baka imbestigahin ka rin. Pero ‘yun ay general rule lang,” ayon kay Fariñas.

Mismong si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang nais mag-imbestiga, hindi sa pagkamatay ng mga drug personalities sa gitna ng anti-illegal drug campaign ng administrasyon, kundi sa paglaganap ng droga sa NBP noong panahon ni De Lima sa DOJ.

Ayon kay Fariñas, malamang na tuloy ang imbestigasyon dahil si Alvarez na ang magpapatawag nito subalit hindi itututok ang imbestigasyon sa senadora dahil sa parliamentary courtesy.

7 Responses

  1. KAYA NGA GUSTO NI DELIMA IMBESTIGAHAN MGA PAGPATAY SA PUSHER AT USER…PARA HINDI MAPUNTA SA KANYA ANG PANSIN NG TAONG BAYAN….HINDI NYA ALAM MARKADO NA SIYA…. BILIBID DRUGLORD DARLING SYA..HAHAHA!!

  2. Merong hidden agenda ito, bakit inispecify si delima, bago pa siya talamak na ang droga, tanungin nyo si robin padilla. Huwag na ituloy dahil me halong politika ito

    1. dapat ituloy.. nag malaman kung anong klaseng mga tagasunod may roon si Pres Duterte.. sila kaya ay hugas kamay sa harapan at puno bulsa sa talikuran.. ??

      1. Itututok ang investigation sa kung bakit lumaganap ang droga sa bilibid, hindi yong kung sino ang “puno bulsa sa talikuran.” Dahil kung ang tutok ng investigation ay sa pera, malamang si de5 ang maituturo. Simple logic lang naman yan: ikaw ang DOJ sec pero pinabayaan mong lumago ang drugs sa mismomg Bilibid? Bakit? Ikaw ba hindi ka maghihinala?