Imbestigasyon sa Mindanao blast extended

Palalawigin pa hang­gang pagtatapos ng ­Enero 2020 ang ­imbestigasyon ng National Bureau of ­Investigation (NBI) kaugnay ng nangyaring serye ng pambobomba sa Min­danao noong Disyembre 22, ayon sa Department of Justice (DOJ) .

Bagama’t nakasunod umano ang NBI sa direktiba ng DOJ na magsumite ng report bago matapos ang 2019, hindi pa rin natutukoy ang may kagagawan sa insidente, ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra.

“The NBI ­submitted its findings on the ­bombing incidents before ­Christmas, but their ­initial findings were still inconclusive. They are ­presently conducting further investigation to determine if the perpetrators had any link with known terrorist groups ­operating in Min­danao. We ­expect a progress ­report in ­January,” ani Guevarra.

Ayon pa sa kalihim, “The NBI field operatives are still working on it. I will give them another month to complete their probe and submit a final report.”

Umaasa pa ang ­kalihin na magkakaroon na ng progress report sa pagtatapos ng Enero.

Nakapagulat ng 22 ka­tao na nasugatan sa mga pagsabog na Cotabato City at dalawa pang bayan sa Cotabato at Maguindanao bago sumapit ang nakaraang Pasko. Kabilang sa mga nasaktan sa ­pagsabog ang walong sundalo na nagpapatrolya sa lugar.

(Juliet de Loza-
Cudia)