Imbestigasyon sa secret deal sa Benham Rise sinuportahan

Maging si Senador Win Gatchalian ay nahiwagaan din sa sinasabing secret agreement sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at China kaugnay sa kontrobersiyal na Benham Rise.

Kaya naman suportado ng senador ang ipapatawag na imbestigasyon ukol dito.

Paglilinaw ni Gatcha­lian, chair ng Senate Committee on Energy, hindi umano klaro kung ano ang nilalaman ng sinasabing kasunduan kung kaya’t mahalagang malaman ito.

“In agreement, it’s not very clear kung ano ang agreement,” ayon kay Gatchalian.

Partikular umanong aalamin kung anong pahintulot ang ibinigay sa China para gawin ang sinasabing marine survey sa lugar dahil na rin sa taglay nitong potential na mapapakinabangan ng bansa.

“Tingnan natin ‘yung permission na binigay, is it for environmental, biodiversity, or even energy aspects? Marami ka­sing potential ang Benham Rise, hindi lang ener­gy but also biodiversity and even food. Marami tayong mga kapwa Pilipino na nangi­ngisda doon dahil mayaman ang Benham Rise in terms of aqua culture and energy potential,” ayon kay Gatchalian.

Sa ngayon, ayon pa sa senador, wala pang nakakaalam kung ano ang tunay na taglay ng Benham Rise na kasinglaki umano ng isla ng Luzon.

“May inihain ng re­solusyon sa Senado na layong imbestigahan ang sinasabing secret agreement sa Benham Rise.