Laro sa Martes:
(Filoil Flying V Centre, San Juan City)
4 p.m. – UPHSD vs CSB (Women Semis)

Kumayod si Cindy Imbo ng 19 points para ipapuwersa sa Perpetual Help Lady Altas ang do-or-die game sa finals nang payukuin ang top seed Saint Benilde Lady Blazers, 25-23, 25-21, 20-25, 25-23 sa semifinals ng 94th National Collegiate Athletic Association 2018-2019 women’s volleyball tournament semifinals sa FilOil Flyiong V Center, San Juan City.

Sa pagsablay ng may twice-to-beat edge CSB sa outright finals, makikipagbuno ulit ito sa No. 4 UPHSD sa rubber match sa darating na Martes para sa ikalawang silya sa finals.

Nag-aabang na ang defending champion Arellano University kung sinuman ang palarin sa Las Piñas-based squad at sa mga balibolistang taga-Taft.

Nagtala si Jenny Gaviola ng 15 markers kasama ang walong kills, apat na blocks at tatlong service aces para ayudahan si Imbo sa Perpetual.

Pormang wawalisin ng Lady Altas ang laro subalit nakuha ng Lady Blazers ang set 3.
Nagtala si Rachel Anne Austero ng 18 pts. para sa panig ng CSB.

Una nang sumampa sa championship round ang Lady Chiefs matapos patalsikin ang San Beda University, 25-18, 25-21, 25-23 sa unang laro.