Imee & Irene Marcos, pinapalutang na tagapangalaga ng Arts & Culture

Imee Marcos

HAVEY: Noong mga huling araw ng Cinemalaya, kumalat ang mga balitang pinagre-resign na raw ang Board of Directors ng Cultural Center of the Philippines to give way sa ia-appoint na mga lider nito.

Expected ang ganitong mga moves dahil may bagong administrasyon.

Normal ‘yung pagta­talaga ng mga taong kampante ang pangulo na mangangasiwa ng maha­lagang sangay ng gobyerno na may kina­lamanan sa sining at kultura.

Ngunit laking gulat ko lang nu’ng pangalanan ang mga prospective appointees, biglang outrage at mariing pagtutol ang nakuha kong reaksyon sa mga direktor at filmworkers na nandu’n.

Ang lumulutang na pangalan ay sina Cecille Guidote-Alvarez at Irene & Imee Marcos.

Naging malaking isyu ang pagkakatanghal kay Alvarez bilang National Artist na binawi rin pagkatapos (as per Supreme Court ruling) dahil sa pag­labag nito sa proseso diumano ng NCCA na pinamunuan niya rin noon.

Isang conflict of interest daw ito noon.

As for the Marcoses, siyempre, damay-damay na ito sa lahat ng reaksyon ng mga taong kasama sa pagtutol na ilibing ang ama nina Imee at Irene sa Libingan ng mga Bayani.

Magkakasunod na dagok daw ito sa si­ning at kultura kapag nagkataon.

At makalipas ang isang taon, ipagkatiwala na kaya kay Sen. Bongbong Marcos ang Department of Education?

***

WALEY: Nag-last shooting day na si Paolo Ballesteros ng Die Beautiful noong maulan na Sabado.

At ngayon, paspasan nang tinatapos ang pelikula nila nina Anne Curtis at Dennis Trillo na Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?.

Ang dalawang pelikula ni Paolo ay sa direksyon ni Jun Lana.

Kapag nagkataon, may isa pang pelikulang haharapin si Paolo kasama ang kanyang ka-trio na sina Wally Ba­yola & Jose Manalo with possibly Kris Aquino.

Pero ang pinakainaasahan ng fans & supporters ni Paolo ay ang pagbabalik-Eat Bulaga nito.

Balitang sa September ay balik-Dabarkads na si Pao.

Ang tanong, ano ang natutu­nan ni Paolo sa kanyang pagkakapahinga sa Bulaga?

Ang sagot ni Pao, “Ingat na lang sa paggamit ng social media.”

Nice one, Pao! Miss ka na namin sa TV!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.