Hinamon ni Makabayan senatorial bet Neri Colmenares si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa isang debate.
Binatikos ni Colmenares ang pahayag ni Marcos.
Iginiit ng gobernadora na ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay pawang ‘political accusations’ lamang.
Pero ayon kay Colmenares, alam ng buong bansa at maging ng buong mundo ang mapait na nangyari sa mga Pinoy sa ilalim ng Batas Militar gayundin ang lansakang mga paglabag sa karapatang pantao at ang pandarambong.
“’Wag nating payagan ang mga Marcos na retokehin at baliktarin ang kasaysayan para makabalik sila sa Malacañang,” pahayag ni Colmenares.
“Dapat kilalanin ng mga Marcoses ang pagpatay at pandarambong na nangyari nu’ng Martial Law at humingi ng paumanhin sa sambayanan na naghirap dahil sa Martial Law ng mga Marcoses. Dapat ding ibalik nila sa bayan ang bilyon-bilyong nakaw na yaman,” pagdidiin pa ng Makabayan senatorial bet.