Nasa hot water ngayon si Ilocos  Norte Gov. Imee Marcos kaugnay ng biniling mga sasakyan na gamit ang pondo ng tobacco excise tax na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Kahapon ay inaprubahan sa House committee on good government ang mosyong ipatawag sa susunod na pagdinig si Marcos kasama ang mga opisya­les ng Commission on Audit (COA).

Sa nasabing pagdinig kahapon ng nasabing komite na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, inaprubahan din ang mosyon na padalhan na ng subpoena ang mga opisyales ng COA sa Ilocos Norte kasama na si COA chairman Michael Aguinaldo.

Nagsagawa ng pagdinig ang komite matapos magpaimbestiga si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas makaraang matuklasan na noong 2011 at 2012 ay bumili umano ang Ilocos Norte government ng may 70 sasakyan na nagkakahalaga ng P66.5 million.

8 Responses

  1. Like Father..like Daughter…parehas magnanakaw…hahahahaha…kaya pala naglalaway ang mga ito na makabalik sa pwesto, dahil may balak na namang abusuhin ang kaban ng bayan…hindi na nakuntento sa mga ninakaw nila sa kaban ng bayan….

    1. HAYAN NA AT DUMADATING NA ANG KARMA SA KANILA AT AYAW TUMIGIL SA NAMANA NILANG GAWAIN NG KANILANG DAKILANG AMA NA NGAYON AY NAKALIBING SA LIBINGAN NG MGA ?????????