NI: ALWIN IGNACIO

Habang tinitipa naming ito, may almost 84K views na ang bidyo. Ang nakakabaliw, may 340 likes pa lamang ito pero ang dislikes, 40K na at mahigit 5k comments na predominantly, harsh at violent ang pinupukol sa nasabing music video .

Isa ang Asia’s Sentimental Songstress Imelda Papin ang umaawit sa “Iisang Dagat” na walang dudang pangmalakasang propaganda.

Ang pinakaka-nakakatawang chika tungkol sa kanta na posted sa isang FB post ay diumano, masamang-masama ang loob ni one-hit wonder singer Jimmy Bondoc na hindi siya kasama sa mga umawit dahil di hamak daw na mukhang Chinese kesa kay La Papin.

Dahil dito, trending topic si La Papin at ang mga reaksyon tungkol sa involvement niya sa propaganda song. Talagang durog na durog ang kanyang pagkatao at pagkababae.