Pinuri ng isang Manila Councilor ang pagkuha ng mga Chinese interpreters ng Bureau of Immigrations (BI) na sasalubong sa mga Chinese national na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at siyang magsasailalim sa kanila sa screening bago makapasok sa bansa.

Ayon kay Manila Councilor Bernie Ang ginawa ng BI ay bilang tugon ng gobyernong Duterte sa mga reklamo na kaagad pinababalik sa China ang mga Chinese tourist kapag hindi sila nakakaintindi ng English at Tagalog na lengguwahe.

Base sa records ng BI may 1,938 aliens ang hindi pinayagang makapasok sa bansa nitong Enero hanggang Hunyo kung saan 676 o 35% ay pawang Chinese nationals na nabigong maipaliwanag ang dahilan ng kanilang pagbiyahe sa Pilipinas dahil hindi marunong magsalita ng wikang Ingles.

One Response

  1. Bakit Chinese speaking lang po maraming din tayong galing sa ibang bansa na iba ang lenguwahe at dito na lamang sa ating bansa ay madaming hindi nagkakaintindihan dahil sa dami ng dialects bigyan ng puwang ang ang mga Linguist ( Multilingual person) nang sila ay mabigyan ng kaukulang pansin.