Ang ‘total revamp’ sa Bureau of Immigration ay maaaring tamang hakbang subalit kailangan munang alisin ang kasakiman at korapsyon dahil may mga dahilan aniya sa likod ng ‘pastillas’ modus ng ilang kawani ng ahensiya, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“While the Bureau of Immigration’s reshuffle of its airport personnel may be a step in the right direction, it will have little success if it does not eradicate greed and corruption,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos magpatupad ng balasahan ang BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal kasunod ng pagbunyag ng kontrobersyal na ‘pastillas’ scheme.

Sa naturang raket, tumatanggap ang ilang tiwalang kawani ng BI ng P10,000 kapalit ng mabilis na pagpasok sa bansa ng mga Chinese national na kalaunan ay pumapasok sa Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO).

“The huge payoffs involved in the rac­ket or scheme in the BI have been going on for quite some time. It is not a consequence of low pay and lack of overtime benefits, but of greed and corrupt attitudes of go­vernment workers who are clothed with the power and authority that go with their positions,” saad ni Lacson.

Bagama’t may benepisyo aniya sa pagiging nasa public service, hindi umano dapat ma limitasyon aniya ito.

Magugunita na binalasa ng BI ang mga empleyado at opisyal nito nakatalaga sa mga terminal ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airpoirt (NAIA). (Dindo Matining)