Nanganganib na ma-impeach si Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista kung mapapatunayan na galing sa katiwalian ang umano’y P1 bilyong hidden wealth nito na isiniwalat ng kanyang misis.
Gayunpaman, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na kailangang munang patunayan ang naging akusasyon ni Mrs. Patricia Paz Bautista laban sa kanyang mister bago umusad ang impeachment case.
“Kung mapapatunayan na ang yamang ito ay galing sa corruption at pang-aabuso sa tungkulin, impeachable ‘yan,” ani Castro kaya dapat aniyang mag-imbestiga ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Sinuportahan din ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat ang imbestigasyon na tututok kung saan galing ang yaman ni Bautista at bakit hindi ito kasama sa idineklara nito sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).
Sa Senado, naniniwala rin si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mas karapat-dapat ang paghahain ng impeachment kaysa imbestigahan pa ng Senado ang alegasyon.
Tugon naman ito ni Drilon sa inihaing resolusyon ni Senate Majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto II na naglalayong imbestigahan ang alegasyon laban kay Bautista.
Duda si Drilon kung may huridikisyon ang Senado partikular ang blue ribbon committee upang imbestigahan ang alegasyon.
“If the House of Representatives decides that it is an impeachable offense and brings to us the impeachment complaint, then we become juror or judges. And what the Senate blue ribbon will investigate will be the same subject matter that the impeachment court will investigate,” paglilinaw ni Drilon.
Samantala, kung si Senador Grace Poe naman ang tatanungin, kailangang magsagawa ng lifestyle check sa mga matataas na opisyal ng Comelec.
“Such shocking revelations make a lifestyle check among high Comelec officials urgent and needed,” ayon kay Poe.
Naku super laki ang ibedinsya mismong ang misis niya ang ebedensya ng gobyerno laban kay andres bautista. dapat mag resign na siya…
nagsalita na si drillon empeach daw kagad ksi pag imbestigasyon bka mapasama ang pangalan nya.number 1 pa namn sya pagkapanalo sa senador bk mapalitan.hehehe
hA HA HA Lumapit sa mga politiko imbis na sa magulang. Corrupt rin iyan dahil kung totoo ay alam niya sino ang nag pasasa siya rin. babae talaga oh oh.. di mo bigyan ng pera ayan na mag wawala na sila. Maraming malalapitan sa politiko pa at para ano? Tiyak na sa susunod na halalan ay tatakbo rin iyan sa politika. ha ha buhay nga naman dito sa atin puro magnanakaw ang mga naka upo.
pogi di na nya kailangn ng pera ksi mapera na rin iyan sinasbi lng ny ang totoo para malamn ng taong bayan.huwag mong itulad sa iba si maam patricia.sinasabi lng ny kung ano ang totoo di kb ntutuwa para malamn ntin kung ano tlga ang nangyari noong nakaraang election.kung bkit nanalo ang di binubuto.
Oy poging panget Nasa Gobyerno asawa ni Andres hindi pangkaraniwang tao natural sa politiko din yan ibubulgar anung magulang pinagsasabe mo ibang usapan yan…Correction mga nililinis na mga magnanakaw sa gobyerno isa na yan si andres puro kase magnanakaw inabutan ni digong.
Mapera nga dahil sabi niya nag nakaw ang asawa niya. ha ha ha kulang kamo sa luho at di nabigyan ng husto kaya nag iingay. ha ha ha.. Kung hangarin niya malinis noon pa niya binulgar iyan. Think twice… Dapat noon pa siya nag iingay bakit ngayon lang?????? sa politiko pa lumapit at nag pa presscon.. pustahan tayo tatakbo sa halalan iyan.