Naghain si House Deputy Speaker Michael ‘Mikee’ Romero (1 Pacman Partylist) ng isang panukalang batas upang tigilan na ng mga paaralan sa bansa sa pagkuha ng non-Filipino citizens na maglaro sa collegiate leagues na dumedehado sa mga homegrown player.

Ayon nitong Lunes kay Cong. Romero, nagiging normal na para sa mga college at university ang pagkuha ng foreign players, bilang student-athletes, na bumabalewala sa patas-patas na labanan sa National Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines.

“I am urging the proper committee of the House of Representatives in aid of legislation to stop and prohibit all collegiate leagues from recruiting, acquiring and using non-Filipinos as players because in effect, it stops the growth and shortchanges the deve­lopment of various sports programs in the Philippines,” aniya sa House Resolution No. 388.

“Lest I’ll be accused of some kind of a killjoy, I am doing this for the good of Philippine basketball. The crushing defeats we suffered in the recent FIBA World Cup has forced me to make this resolution,” hirit ng godfather ng PH basketball team na nag-gold medal sa 2007 SEA Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

“I’m not targeting any school here. All I want is to give our homegrown players the chance to improve and compete to the best of their ability,” esplika ng mambabatas na may ari ng NorthPort sa Philippine Basketball Association at nag-La Salle Green ­Archers sa UAAP mid-90s. “Acquiring­ foreigners is not only counter-productive but is also more expensive to maintain a team.”

Napansin niyang karamihan sa imports ay Africans at Americans–lumilipat mula sa isang torneo patungo sa isa pang torneo na naghahayag na ‘di educational purposes ang hangarin ng mga ito sa bansa. (Janiel Abby Toralba)