IMPORT: Sino pa ba? Brownlee balik-Gins

PBA BANTAY

Hindi na kailangang ipakilala si Justin Brownlee, sa nagdaang tatlong taon ay naging mukha ng Ginebra sa import-laden tournament ng PBA.

Sa Commissioner’s Cup na sisiklab sa May 19, balik sa isa pang tour of duty si Brownlee para sa mis-yon na panatiliin sa Gin Kings ang korona ng mid season tournament.

Taong 2016 pa nang unang iparada ni Tim Cone ang American import, sa nakalistang taas na 6-foot-7 ay pinakamaliit sa reinforcements ng torneo na may height ceiling na 6-10.

Nang unang dumating bilang replacement import noong 2016 Governors Cup, naihatid agad ni Brownlee ang crowd darlings sa titulo. Naidepensa ni Brownlee at ng Kings ang titulo sa sumunod na taon.

Noong 2018, siya rin ang hinugot ni coach Tim Cone para sa Commissioner’s Cup at tagumpay nilang sinipa sa trono ang defen-ding champion San Miguel Beer sa anim na laro.

Sa conference na ‘yun nakuha ni Brownlee ang una niyang Best Import award, dumating galing ASEAN Basketball League na 1-3 ang Ginebra pero naihabol sa playoffs at doon nag-average ng 27.4 points, 12 rebounds, 6.6 assists at 2.2 blocks per game.

Kagagaling lang ni Brownlee sa Lebanese Basketball Championship, inihatid ang Al Riyadi Club sa titulo.

Kasama si Renaldo Balkman, napag-champion ni Brownlee ang San Miguel Alab-Pilipins sa ABL noong isang taon. (Vladi Eduarte)