tonite-imo-vinia-vivar
Wala pang balak si Robin Padilla na sundan ang kanilang panganay na anak ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella who just turned 1 year old last November.
“Huwag muna, kasi doon na ako mauubusan ng oras,” sambit ni Binoe.
“Eh siyempre, importante rin ang sex life,” dagdag pa niya.
Sobrang pasasalamat din ni Binoe sa kanyang asawa sa ibinibigay nitong suporta sa pelikula niyang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story lalo na nga ‘yung ginawa nitong pag-aasikaso sa food party sa last shooting day.
Ayon kay Binoe, nagawa lahat ng asawa niya na asikasuhin ang pagkain in a short notice.
“Nun’g last day, sabi ko, “babe, itong mga taong nagtrabaho rito, pinakapagod ito.” Sa tagal ko nang nagtrabaho sa pelikula, ang akala ko nga, ‘yung 10,000 Hours na ‘yung pinakamatindi naming ginawa kasi, sa abroad namin ginawa ‘yun. Hindi pala, eto pala.
“Kaya gusto ko, sabi ko, “bigyan natin sila ng pagkain na marami, buong araw.” Kaya maraming salamat (kay Mariel)­, walang 24 hours (nang sabihin niya), nagawa niya lahat,” ang pahayag ni Binoe.
Napabalita ngang parang fiesta sa last shooting day dahil sa rami ng pagkain na dumating mula tanghalian, merienda at hapunan.
When asked kung hindi ba sila nawawala ng oras sa isa’t isa since may It’s Showtime din araw-araw si Mariel at sey ni Binoe, naga-absent naman daw ang kanyang misis kapag kailangan ng pamilya like halimbawa, pag may sakit siya or ang kanilang anak. Very supportive naman daw ang show sa kanila.
Dyowa ni Paulo humirit ng double date kina Jake-Kylie
Usap-usapan nga­yon sa showbiz kung may relas­yon na sina Jake Cuenca at Miss International­ 2016 na si Kylie Versoza na magkapareha sa Los Bastardos matapos mag-post ang aktor ng larawan nilang magkasama habang nasa isang boutique last Sunday.

 

Sa larawan ay makikita na pareho sila ng outfit or naka-couple’s outfit. Same shoes, same jogging pants and shirt although different­ color.
Sa caption ay inilagay lang ni Jake na “Muave Sunday.”
Ang lalong nakadagdag sa espekulas­yon na baka nga sila na ay ang mga comment ng kapwa artista.
Komento ni Jaine Oineza, “Goals namaaaaaan.”
Tanong naman ni Will Devaugh, “kayo na po ser?”
Maging ang rumored girlfriend-model ni Paulo Avelino na si Jodie Tarasek ay nag-comment ng “so um whens our double date jake!?”
May netizen din na nag-comment ng “Kaya pala lagi may comment na si Jake sa mga pics ni Kylie hmm.”
May nagtatanong din kung break na ba si Kylie sa half-Pinoy nitong boyfriend. At marami rin ang nag-comment na bagay daw ang dalawa.
So far ay wala pa namang pahayag ang da­lawa tungkol sa ­isyung ito.