(Last part)
Pero ang bagong henerasyon ng mga nagsipag-import ng kabayo ay muling nanamlay ilang taon na ang nakalipas dahil sa kawalan ng insentibong makuha sa awtoridad o sa pamahalaan.
Matagal na nilang hinihiling na bigyan sila ng magandang insentibo sa pang-aangkat ng kabayo tulad ng discount sa tax sa importation, pagpapababa ng gulang ng mga racehorses, discount sa pag-aangkat ng mga pagkain, lalo ang pagtatanggal ng kasarian sa kanilang mga inangkat bilang imported. Sa ibang bansa kasi ay inilalaban ang imported sa locals nang walang partidang iginigitna.
Ang dalawang naging presidente ng Klub Don Juan de Manila na sina Albert Trinidad at Sonny Arevalo ang nagpursigi noon na alisin ang hadlang sa pagkakarera ng imported at mga locals. Ito ang rallying point bakit naganap ang taunang Don Juan Derby, ang pinakaunang annual open championship para sa lahat ng 3-year-old local at imported runners sa bansa.
Dahil sa kawalan ng tatakbuhang karera, halos lahat ng nag-import noon ay tumigil dahil nalugi. Marami rin ay wala na sa karera.
Ngayon ay kulang na kulang ang bansa sa runners dahil sa araw-araw na karera sa isang linggo. Sa kakulangan ng local horse breeders na mag-produce ng sapat na pangarerang kabayo, nakita ng mga awtoridad ang tunay na kakulangan sa sitwasyon ngayon.
Idagdag pa ang kakulangan ng matitinding horse owners dahil karamihan sa kanila ay nagbenta na ng kabayo at umalis na sa industriya.
Kaya muling binubuhay ang importasyon ng mga kabayo para mapunan ang kakulangan ngayon. Ang tanong, sino naman ang maeengganyo sa ganito kung walang sapat at tiyak na kasagutan kung paano nila mababawi ang gastos kapag nag-import ng kabayo?