Patay ang 52-anyos na lalaki nang barilin ng isang janitor matapos magpunta ang una sa birthday party at magpanggap na pulis sa Pasay City.
Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril hindi na umabot ng bubay sa Protacio Center Hospital ang biktimang si Larry Fortaleza, naninirahan sa Twin Pioneer St., Brgy. 189, Zone 20 ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga awtorida ang suspek na si Rey Dongon, janitor ng JRS Management Center Agency, Pioneer Highlands sa Mandaluyong City.
Base sa ulat, alas-otso Linggo ng gabi nang maganap ang pamamaril sa lugar ng biktima. Nabatid na pumasok sa isang bahay si Fortaleza na pag-aari ng isang Raulito Bisnar na siyang host ng birthday party at nagpakilala ang una na isang pulis.
Dito nagkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at suspek na bisita sa party at sa kasagsagan ng pagtatalo ay bumunot ng baril si Dongon at pinutukan ng tatlong beses si Fortaleza. (Armida Rico)