IMPOSTORA?!

Kris Bernal

MALAKING bagay bang naudlot ang paglipat ni Kris Bernal sa kung saang dako pa roon at ngayong taon na ito, tuloy pa rin siya sa pagiging Kapuso?

Well, well, well… malalaman natin kung tama ang desisyon niya pag ipina­labas na ang television program na siya ang bida… ang Impostora.

Sabi ni Bernal sa IG, “My 2016 was a tumultuous one with plenty of ­unexpected results. I am starting off stronger!

“I know I am starting off on the right foot! Starting my year right to where my heart truly belongs!

“Looking forward to 2017 with more opportunities and endless possibilities! Let’s dooo this! I’m more than ready!

“Happy New Year my sweethearts! Sending you all goodvibes!!! #LipadKapuso2017”

Ang Impostora ay tungkol sa kambal — isa ay maganda, at ‘yung isa ay hindi masyadong kainaman ang fezlak.

Si Rafael Rosell ang leading man ni Bernal sa TV series na ito.

Sa paparating na drama ni Bernal, ­masagot na kaya ang tanong kung ang boobies ni Kris ay for real at hindi mga impostora?