Dear Sir,
Isang magsasaka ang namatay matapos barilin ng mga miyembro ng New People’s Army dahil sa hindi ito nagbayad ng revolutionary tax sa kanyang niyugan.
Wala ng malinaw sa usapan ng CPP-NDF kung hindi nila kayang harangin ang mga ganitong aktibidad ng NPA.
Ang gobyerno na siyang naglalatag sakanila ng mapayapang paraan ng pakikipag-dayalogo ay nadadala na rin sa mga kasinungalinan ng mga makakaliwang grupo.
Dapat nilang imulat ang kanilang mga mata sa katotohanan na ginagawa lamang silang pananggalang ng kanilang grupo at mga lider.
Maraming pamilya ang mawawalan ng mahal sa buhay kung magpapatuloy ang pakikiisa nito sa mga rebelde lalo na kung mapatay sa mga engkwentro.
Kapalit ng pagbabalik loob ng rebelde na grupo ang tulong mula sa gobyerno para magsimula ang mga ito ng marangal na hanap-buhay kasama ang kanilang pamilya.
Andrew R. Aranas
***
Dear Sir,
Dapat lang na maghain ng reklamo ang ating gobyerno laban sa pag-atake ng NPA sa Davao at Quirino sa Norwegian government na siyang facilitator sa ginaganap na peace talk sa pagitan ng Philippine Government Panel at ng CPP-NDF-NPA Panel. Bastos at walang respeto sa ginaganap na peace talk ang kanilang arm unit, NPA.
Gusto pa ata nilang palabasin na kailangang-kailangan na talagang magkasundo ang magkabilang panig. Upang mawakasan na ang kanilang paghahasik ng karahasan.
Kung tutuusin kapag pinairal ang “war on NPA” talo sila. Kalaban ba naman nila ang buong puwersa ng AFP. Kaya lang ayaw ni Pangulong Duterte na magkalaban-laban ang kapwa parehong lahi.
Pero hindi na ideolohiya ang kanilang ipinaglalaban kundi survival kung paano nila mapanatili ang kanilang lakas sa pamamagitan ng revolutionary tax na ipinapataw sa mga negosyante, at mga mayayamang angkan at kahit na nga ang mga ordinaryong mamamayan na nagtitinda lang sa sari-sari store hindi nila pinapalampas.
Iyon ba ang Hukbo ng Bayan? Pinapahirapan ang mga mamamayan.
Tintin A. Manubay
Antipolo City