Palaisipan sa pamilya at sa mga awtoridad ang ginawang pamamaslang sa isang ina ng tahanan at masipag na barangay staff ng tatlong hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Sa report na isinumite kay QCPD Director Sr./Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Elyzabeth Rabe y Layda, 48, may-asawa, lider ng Community Service Brigade at naninirahan sa No. 33 Gumamela St., Brgy. Payatas-A, ng nasabing lungsod.
Sa initial na imbestigasyon ni PO3 Marvin Masangkay, sinabi ng biktimang si Queenelyn na nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi ng sapilitang pumasok sa kanilang bahay ang mga suspek na nakatakip ang mga mukha ng panyo habang ang isang armado ng M-16 armalite ay nagsilbing look-out.
Nang makita umano ng biktima ang dalawang suspek ay nagtatakbo ito papasok ng kuwarto at nagkulong pero pinwersa umano itong buksan at saka binistay ng bala ang ginang.