Ina ng female personality nireklamo ng sekyu

Napakasipag tala-gang magnegosyo ng ina ng isang sikat na female personality. Lahat na lang ay ginagawa niyang negosyo. Wala siyang sinasayang na panahon.

Bago magsimula ang programa kung saan regular na lumalabas ang kanyang anak ay nakahanda na ang mga pambenta ni mommy.

Kuwento ng aming source, “Kapag umaani sila ng mga gulay sa farm nila, nakaatado na ang mga ‘yun sa umaga pa lang. Pagdating nila sa studio, habang nagbo-vocalizing ang daughter niya, e, umiikot na si mommy para magbenta ng mga paninda niya!

“Meron siyang kasamang kasambahay sa pagtitinda. Talagang pinaghahandaan ni mommy ang bawat episode ng show na ‘yun para sa pagtitinda niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sa isang pictorial naman ay nagdala ng isang bilaong pancit ang mommy ng sikat na female personality. Ipinakain niya ‘yun sa glam team ng anak niya, saka sa mga namamahala ng pictorial, pero may kasunod pala ‘yun.

Kuwento uli ng a­ming source, “After kumain ng grupo, e, nagtanong si mommy, ‘Nasarapan ba kayo sa dala kong pancit?’ Natural, oo naman ang sabi ng lahat sa kanya.

Maya-maya, e, namimigay na siya ng calling card, pinatikman lang pala niya ang dala-dala niyang pancit dahil negosyo niya rin ‘yun!

“Talagang buong-ningning niyang sinabi sa mga nandu’n, ‘Kapag kailangan n’yo, tawag lang kayo sa number na nand’yan, ipapadeliber namin sa inyo.’ Ang anak niya, e, deadma na lang, hindi niya puwedeng kontrahin ang madir niya, bawal!” tawa pa rin nang tawang komento ng aming source.

Siya rin ang mommy na kumuha ng mga guwardiya sa isang agency para magbantay sa kanilang itikan. Pero inireklamo siya ng mga SG dahil kapag may namamatay na itik ay ibinabawas ‘yun ng mommy ng sikat na female personality sa kanilang suweldo.
Ha! Ha! Ha! Ha!
****

Vice sablay sa ‘Idol Philippines’

Kumakain na naman ng ampalaya nga-yon sa social media si Vice Ganda dahil kumontra sa kanyang opinyon ang mga kababayan nating nakatutok sa Idol Philippines.

Nasilip namin ang eksaktong senaryo, m­edyo nakaka-off nga ang mga sinabi ng sikat na komed-yante, para sa amin ay tagisan ng talento ang pinaglalabanan sa show at hindi naman pagandahan na parang sa beauty contest.

Magaling magpatawa si Vice, pero paminsan-minsan ay sumasablay rin ang kanyang dila, kaya pinalulunok siya ng apdo ng ating mga kababayan.

Text sa amin ni SOS, ang aming anak-anakang wala halos pinalalampas na kaganapan sa showbiz, “Naku, bina-bash po nga-yon si Vice Ganda dahil sa mga sinabi niya sa Idol Philippines kagabi.

“Magaling pong kumanta ‘yung auditionee pero wala raw star quality. Plain-looking po kasi siya. Gusto namin siyang magpatawa pero tulad ng pamba-bash sa kanya ngayon, e, hindi namin gusto ang ginagawa niyang parang pangdi-discriminate sa mga hindi maganda at guwapo.

“Kaya pala pati du’n sa magaling na reggae artist na si Luke Baylon na may pagkaegoy, e, nag-no siya! Sana po, e, mapanood n’yo sa YouTube ‘yung kay Diane Vergoza. Puro pamba-bash kay Vice ang mga comments, kahawig pa naman ni Jessica Soho si Diane.

“Ironically, e, ‘yun pa namang Beautiful ni Christina Aguillera ang kinanta niya. May p­roblema po ba talaga si Vice kay Ms. Jessica Soho?

“Mabuti na lang at ipinagtanggol siya nina Moira at Regine Velasquez, hindi nakakibo si Vice dahil halatang pahiyang-pahiya siya kina Regine at Moira.

“Kunwari, e, pinakanta na lang niya ng iba si Diane para makabawi siya. Style ni Vice, bulok! Wala rin naman siyang star quality nu’n, t­alent niya ang nagdala sa kanya sa itaas kaya yumaman siya, nagkapera at gumanda, dahil nagparetoke na siya!

“‘Yun lang ang reason kaya nagka-star q­uality siya! Ang vaklang twoooo!!!! Mas may premium pala para sa kanya ang looks kesa sa t­alent? Look who’s talking! mapagpanggap!” bahagi ng mensahe sa amin ni SOS na sumusubo ang inis ngayon kay Vice Ganda.