Ina ni Chrome ibebenta

Isang inahing tiyak na pagkakaguluhan sa Fasig-Tipton November Sale sa Amerika ay ang mare ng 2014 Horse of the Year na si California Chrome – si Love The Chase.

Inihayag ng may-aring si Perry Martin na tiyak nang ibebenta niya ang inahin na kumpirmadong buntis ngayon sa pinakapamosong leading sire ng North America na si Tapit.

“I’m keeping 10% of California Chrome, so that means I’ll need some mares, which means I can’t keep everything. I plan on selling her and using the proceeds to buy other mares. I’m also breeding horses with the idea of breeding to Chrome.

For tax purposes, what we are doing is a 1031 exchange, which is basically exchanging assets. This is mostly used for real estate but you can use any asset as long as they are similar in kind, and you have window of opportunity to do that,” ang sabi ni Martin.

Idinagdag ni Martin na ang pagbebentahan niya ay tiyak na ibibili niya ng mga magagandang inahin na ipaparada kay California Chrome (Lucky Pulpit – Love The Chase) kapag ito’y ini-retire niya sa susunod na taon. “I think mares by Speightstown will be a terrific cross.

The A.P. Indy cross with Mr. Prospector line mares is a mega nick. Storm Cat is another line that should do well.”

Undefeated ngayong taon si California Chrome, pinakahuli laban sa 3-time champion na si Beholder noong Agosto 20 sa Pacific Classic.

Target nito ngayon ang inaasahang magi­ging pinakamayamang karera sa mundo na Pegasus World Cup sa Gulfstream Park bago ito iretiro kaagad sa Taylor Made Farm, na bumili ng share kay California Chrome.

Sinabi ni Martin na ididiretso si California Chrome sa breeding tatlong linggo lang ang pagitan matapos ang Pegasus World Cup.