
Mukhang nagkagulatan siguro ang mag-half sister na Andi at Maxene Eigenmann na instead na ang mismong may katawan na si Andi ang magsabi kung sino ang tatay ng anak nito ay si Max pa ang nagsabi ng totoo sa show ni DJ Mo.
Ngayon, kailangang mag-apologize ni Andi sa sinirang reputasyon at career ni Albie Casiño.
Nabugbog pa noon si Albie ng mga nakisimpatiya kay Andi, ‘di ba?
Haharapin naman ni Andi ang init ng ulo ng nanay ng siniraan niyang si Jake Ejercito.
Noon pa raw nagpipigil si Laarni Enriquez kay Andi na anytime ay sasabog na.
***
SANDAMUKAL ang memes at social media digs kina Leila de Lima at Jaybee Sebastian.
Ginawan sila ng movie poster mala-KathNiel sa Barcelona: A Love Untold.
Ang kiyeme latik na movie nina Leila at Jaybee… Bartolina: A Love Behind Bars.
Nakakatawa pa ‘yun.
Ang hindi nakakatawa ay ang panggagaya ni Nanette Inventor sa kontrobersyal na Senador.
Luma at hindi nakakatawa si Nanette bilang impersonator ni De Lima.
Mag-isip na lang siya ng ibang gimik at parang hindi ito kinakapitan ng mga tao!
***
Tweets ni Ethel Booba (Reyna ng Charotism):
“Kapag nag-testify si Bilibid Drug Lord Colangco vs. Sen. De Lima sa Senate Hearing, pwedeng gawing title ay ‘Bartolina: The Untold Story.’ Charot!”
“Sa mga nagtatanong if nag-perform ako sa New Bilibid Prison, ang sagot po ay nasa loob ng #Charotism book. Bili po kayo para masagot. Charot!”
“There are 4 sides of a story. Iyong kay Sen. De Lima. ‘Yung kay Aguirre. ‘Yung sa mga chismosa. At ‘yung katotohanan. Charot!”
***
Facebook posts ni Lex Bonife (#sabinilex)
“Parang oras na para magka-biopic movie si Leila de Lima. Perfect sana kung si Sharon Cuneta ang gaganap sa kanya. Magkahugis at parehong magaling mag-Ingles. Pero since mukhang madaming sexy scenes ang pelikula — sa mansion, sa kotse, sa kubol sa Bilibid, sa tingin ko mas bagay na si Rosanna Roces na ang bida.”
“So, napagdesisyunan ko na i-produce ang unauthorized biopic movie ni Leila de Lima. Una kong tinawagan si Rosanna Roces. Tumanggi sya. Ayaw niyang magpaitim para sa pelikula.
Hindi daw makikita ang kanyang pink nipples. Tinawagan ko si Tetchie Agbayani. Hindi na raw siya nagse-sexy scenes bilang professor na sya sa Ateneo. Namrublema talaga ako.
Bigla kong naisip. Wait! Parang pwede din naman si Chokoleit. Tamang wig, tamang scarf, I think he can pull it off!”
“Tinawagan daw ni Jojo Veloso si Leila de Lima: Madam, stay strong. This too shall pass.”
“Akin si Colangco, Sa Iyo si Matobato. Ang pagbabalik ng Pinoy Action Movies!”
“Kung hanggang ngayon ay nagtataka ka at wala ka pa ring boyfriend, all you need is a good career and the right scarf. Success is sexy. That’s the De Lima formula.”
***
Walang dating si Hero Angeles sa kanyang pagbabalik telebisyon sa lifestory ni Hidilyn Diaz sa Maalaala Mo Kaya. Ang payat niya at wala sa kundisyon ang pangangatawan. Sayang…
Kung comeback sanang matatawag ang break na ‘yun, mas pinaghandaan dapat ni Hero ang kanyang muling paglabas.
Sana, kumuha muna siya ng tip mula sa dating kapartner na si Sandara na hanggang ngayon ay in demand sa shows at commercials.
***
Finally ay nakapag-guest na sa ASAP si Jaya para sa tribute sa OPM composer na si Vehnee Saturno na sumulat ng kanyang mga naunang hit songs.
Malabo lang maging mainstay siya sa show na katapat niya noon dahil maraming ASAP mainstay na niro-rotate at on a semi-regular basis.
Ngayon, OK lang ang pa-guest-guest na lang muna. Basta hindi nasisintunado, ha?!
***
Hindi nagtatak ang #like na show ni Tom Rodriguez.
Hilaw ang talent show na hilaw ang mechanics pati na ang co-host na si Balang.
Mukhang mura lang ang production cost nito kaya siguro walang impact.
I love Sharon wag nman di sya bagay gumanap kay De Lima na pangit reputation! Shawie is respected w/ wholesome image! #Sharonian4ever
BAKIT NAMAN MAGAGALIT ANG NANAY NI JAKE….ANO BA ANG PAG KAKAIBA NILA NI ANDI??? LOOK AT THE MIRROR THEN ASK YOUR SELF, WHY?