Halo-halo ang naging reaksiyon ng mga netizen sa tweet ni Matteo Guidicelli sa post niya sa kaniyang Twitter na “It’s YOUR life. Take control of it. Period.”
May mga nagsabi na patungkol raw umano ito sa dyowa niya na si Sarah Geronimo.
Alam naman ng publiko kung gaano kahigpit at ka-protective si Mommy Divine kay Sarah G.
Actually, magkasama sila ni Sarah nu’ng mga oras na iyon. Ang post pala ay patungkol sa skydiving ng aktor. Medyo kabado kasi ang aktres para sa balak ng aktor na tumalon sa ere.
Payo naman ng mga fan na maging maingat ang aktor sa mga pino-post niya.
@SharonStone10, “Also, Sir, w/ all due respect, pinoprotektahan namin si Sarah &I know you’re doing the same thing. She keeps her relationship private, kaya even if this is not for her, sa kanya at sa kanya pa din to ibabato and yun nga, binabato na nga. So, si MD (Mommy Divine) is once again put in a bad light.”
@SooO_wh4t, “If this message is for my idol, SG, o para sa kahit sinong kumag, sabihin mo ng derecho sa tao. Huwag sana sa socmed, kasi madaming nag-i-speculate. Thank you.”