Ina pilyo ang paandar

Sumasabay si Ina Feleo kay Andrea Torres sa pagiging diyosa ng kaseksihan.

Magka­sama sila sa seryeng “The Better Woman”.

Masarap pagsabu­ngin ang dalawa sa usapang “sexy body”.

Of course, lamang naman talaga si Andrea sa kaseksihan
dahil taglay nito ang sinasabing “world cup” size ng kanyang dibdib.

Pero hindi naman pahuhuli ang alindog ni Ina sa nasabing Kapuso star.

Walang lalaki – bata, matanda, maysakit o wala – ang hindi makakaisip ng kahalayan sa bikini photo nito.

Pilyo kasi ang mga paandar nito sa kanyang mga sexy post.

Siyempre, ang intensyon lang naman ni Ina ay hindi ang pag-initin ang dugo ng kanyang mga fan, kundi ipakita ang sakripisyong pinagdaanan niya sa workout bago n’ya nakuha ang ganitong figure. (Rey Pumaloy)