Ina sumisipa ang alindog

Kung meron mang isang underrated actress na mapapasipol ka sa lakas ng appeal, ito ay ang character actress na si Ina Feleo.

Si Ina ay anak ng direktorang si Laurice Guillen at yumaong award-winning actor na si Johnny Delgado.

Taob kay Ina ang ibang mga kasabayang aktres sa kanyang kaseksihan.

Kitang-kita naman sa kanyang bikini shot sa Instagram ang pruweba ng walang kaduda-dudang lakas ng alindog ng aktres.

Kaya hindi kataka-takang mabighani ang isang banyaga sa kanyang kagandahan. Talaga namang may sipa ang kanyang pigura.

Sino ba naman ang mag-aakalang ang dating sweet girl noong nagsisimula pa lang sa kanyang karera ay magiging ganito ka-sizzling hot.

Kahit ang mother niya ay hindi nagawang magpa-sexy na gaya ngayon ni Ina.

Kung mabibigyan lang ng mas magandang build up career program, maraming
padadapaing sexy actress si Ina.

Complete package na ang dalaga, sexy, beauty at higit sa lahat natural actress.

Kaya ‘wag magpakasiguro ang ibang aktres diyan na feeling yummy, dahil ang tunay na delicious ay si Ina.