NI: VINIA VIVAR
“She makes me a better person,” ang paglalarawan ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa episode ng Magandang Buhay this Friday, April 24, na birthday special ng aktor.
Matagal tagal na rin ang relasyon ng KathNiel at aminado naman si DJ na marami siyang natututunan.
“Nakita ko kay Kathryn, she’s very organized. Planado niya lahat ang gagawin niya for the week, for the day, sinusulat pa niya talaga ‘yun, alam mo ‘yun?
“‘Yun ‘yung mga bagay rin kasi na natutunan ko kay Kathryn dahil ako, bilang ako, ano ‘ko, eh parang minsan, I just go by the day. Kung ano ‘yung ano, iisa-isahin ‘yun sa akin.
“Si Kathryn, pag nilatag sa kanya, siya pa nagsusulat ng lahat ng gagawin and very thankful ako na may ganu’n na tao sa buhay ko rin. At siyempre, dahil natututo ako, eh,” pahayag ni DJ.
Natutuwa rin ang aktor na nagtutulungan silang dalawa ni Kathryn.
Ibinahagi nga rin ni Daniel ang bagay na ayaw sa kanya ng girlfriend.
“Ayaw ni Kathryn ng nale-late ako. Ayaw niya ng nauuna. Well, ‘yun ‘yung mga bagay na kailangang ayusin, baguhin, ipinu-push niya ‘yan sa akin. Talagang she makes me a better person,” sey pa ni Daniel.
Kahit wala si Kathryn sa nasabing birthday episode ay napakarami pa ring kinilig na fans, dahilan para mag-trending ang hashtag na #MBDaniel sa Twitter kahit ilang oras nang tapos ang Magandang Buhay.