MAGPAPAKILIG sina Inah de Belen at Jake Vargas mamayang 4:00 PM sa SM Center Molino-Cavite.

Kasama nila sa mall show ang co-stars nila sa Kapuso afternoon series na Oh My Mama na sina Jeric Gonzales at Phytos Ramirez.

***

Tampok ang mga kuwentong laman ng balita at naging viral sa Kapuso Mo, Jessica Soho bukas nang gabi, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA 7.

Andiyan ang ganap kay Mark Anthony Fernandez na dating nalulong sa bawal na gamot si Mark at naipasok na sa rehab.

Paano haharapin ni Mark Anthony ang bagong pagsubok na kinasangkutan?

***

Sino sa Quarter 3 semi-finalists ng TAWAG NG TANGHALAN ang mapapanood hanggang sa dulo ng kumpetisyon?

Abangan ang kasagutan sa It’s Showtime ngayong Sabado (October 8) sa ABS-CBN.

Sino kina Lucky Robles, Jennie Gabriel, Antonio Sabalza, Eumee Capile, at Noven Belleza ang makakuha ng pinakamalaking combined scores mula sa mga hurado at boto ng madlang people para makapasok sa Grand Finals?

Nabigong ipagtanggol ni Christopher Rodrigueza ang kanyang puwesto matapos siyang ma-gong.