ORIGINALLY ay sa ABS-CBN si Inah de Belen­ (dating Inah Estrada), na ini-launch noon kasama sina Ynna Asistio at Winwyn Marquez.

Two years ding nag-guest sa mga show ng ABS-CBN si Inah, tapos ay nag-TV5 siya kung saan nakagawa rin siya ng mara­ming shows.

Ngayon ay nasa GMA na ang panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada at ilu-launch siya sa Kapuso afternoon soap na Oh, My Mama!

Mukha pa ring teenager ang 22-anyos na si Inah. Naiyak siya sa presscon ng nasabing GMA drama nang mapanood ang video message ng Mommy Janice niya.

“Just seeing my mom and seeing that she’s happy for me, grabe, sobrang saya ko. At nu’ng nakita ko kung gaano siya ka-supportive…

“Kasi, ‘yung mom ko, hindi talaga siya very vocal about it. So, just seeing that, sobrang saya ko. Sobrang nakakaiyak,” bulalas ng dalaga, na gaganap sa papel na unang ginampa­nan ni Maricel Soriano sa 1981 Regal movie.

Gusto ni Inah na may ma-prove siya sa parehong parents niya kahit alam niyang sobrang pressure ‘yon dahil ang gagaling na artista nu’ng dalawa.

“Gusto kong i-prove sa kanila at sa lahat na kaya ko ‘to and that hopefully, magiging proud silang dalawa sa akin.”

Mahirap bang maging anak ng isang Janice de Belen at ng isang John Estrada na rin?

“Okey naman po. ‘Yung pressure po talaga ‘yung nagmo-motivate sa akin. And I look up to my mom, I look up to my dad.

“I believe that as long as you believe in yourself, everything will be fine.

“But syempre, napi-feel ko po ‘yung pressure because Janice de Belen is Janice de Belen­ and John Estrada is John Estrada.

“How I wish maabot ko ‘yung mga nagawa ni mommy before. That’s why I look up to her because aside from magaling siyang aktres, she’s also very, very strong.

“At kahit may mga mam-bash sa kanya, sobrang strong niya. I hope na ‘yung strength niya, makuha ko.”

Kinailangang palitan ni Inah ang last name niya sa suggestion na rin ng GMA.

Kaya pinaliwanag niya ito sa tatay niyang si John, na hindi lang sa showbiz kundi maging sa pulitika ay ang da­ming Estrada.

‘Pag may nagtatanong kay Inah ng apelyido niya, ang laging reaksyon ay kung anak siya ni Joseph Estrada o ni Gary Estrada. Third lang si John.

Samantalang ‘pag sinabing de Belen ang last name niya, dalawa lang ‘yon sa showbiz, sina Janice at Gelli.

So, para lang hindi ma-confuse ang mga tao, de Belen ang gagamitin niyang showbiz name, pero ang personal and legal name niya ay Inah Estrada pa rin.

Siyempre, nu’ng una ay medyo hindi raw ‘yon maintindihan ng daddy niya at medyo hindi ito okey du’n sa idea.

Pero ngayon ay intindido na ito ni John dahil nag-uusap naman silang mag-ama everyday at very supportive ito sa kanya.

“I always tell him, I am and I will always be an Estrada,” sambit ni Inah, na hindi raw magpapaka-Julia Barretto, na inilaglag ang apelyido ng amang si Dennis Padilla­ para gamitin ang last name ng inang si Marjorie Barretto.

Sa September 19 ang simula ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

3 Responses

  1. ok lng yan. screen name lang naman. c julia baretto kc pati sa totoong buhay gusto ilaglag ang tunay na apelyido ng tatay niya kaya hanggang ngayon hindi sumikat sikat, lapastangan kc sa magulang