Inah, makikipag-bonding sa pamilya ni Jake

Inah de Belen

BORACAY-bound si Inah de Belen ‘pag nagtapos na sa ere ang Encantadia.

End of May ang lipad niya ng Bora kasama ang boyfriend niyang si Jake Vargas at ang pamil­ya nito.

Small vacation lang ‘yon for a few days. As in siya lang, kasama ang family ni Jake.

Wow! Parang parte na siya ng pamilya ni Jake, huh!

“Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Bonding lang,” tawa ng 25-anyos na Kapuso star.

Anong feeling na kasama niya ang family ng boyfie niya?

“Siyempre masaya, kasi getting to know his family rin.

“At saka sobrang na­tutuwa ako sa company nilang lahat. Simple, sobrang simple.”

So, love siya ng Vargas family?

“Sana! Ha! Ha! Ha! Hindi ko alam, eh! Grabe naman!” pa-girl na sagot sa amin ng petite na panganay nina Janice de Belen at John Estrada.

Hindi pa rin pala nami-meet ng tatay niyang si John si Jake dahil sobrang busy nito.

Sey ni Inah, may idea na ang dad niya, pero wala pa itong comment dahil hindi pa nito nakikilala si Jake.

Ilang buwan lang si Inah sa Encantadia, pero feeling niya ay ang tagal-tagal na niya rito.

Naging parte na kasi siya ng Enca family na very welcoming at very close sa isa’t isa.

Nu’ng Biyernes ay pinaslang ni Hagorn (John Arcilla) ang karak­ter ni Inah na si Deshna.