SUMABAK na sa Arnis training si Inah de Belen para sa pagpasok niya sa Encantadia.

Nag-post si Inah ng pic niya sa Instagram na may hawak siyang ma­laking wooden stick at ang caption niya, “Abangan siya sa Encantadia. Malapit na!”

Mabilis na nahulaan ng fans na ang magi­ging role niya ay bilang si Deshna na anak ni Lila­Sari (Diana Zubiri).

Kinupkop si Deshna ni Helgad (Winwyn Marquez) kaya makikilala siya bilang si Luna.

May tweet si Mikee Quintos (gumaganap bilang Lira) na kinukumusta ang training ni Inah para sa fight scenes nito.

Excited na raw si Mikee para kay Inah at ma­lamang excited din si Kate Valdez (na gumaganap bilang Mira).

Interesting ang role ni Inah dahil feeling ng fans ay si Deshna/Luna ang pangatlong diwani (bukod kina Lira at Mira) na magiging Sang’gre sa Book 4 ng Kapuso telefantasya.

Nakaabang na ang fans ng petite daughter nina Janice de Belen at John Estrada sa pagpasok nito sa Enca.

Wish nila na sana ay kasali rin ang ka-loveteam ni Inah na si Jake Vargas.