Nagmumulto ang napaslang na Japanese national sa loob ng ‘ambush vehicle’ na Toyota Alphard may plakang UHQ 319 na nakaparada sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa United Nation Avenue sa Ermita, Maynila.
Ginapangan ng kilabot ang ilang mamamahayag at striker na nasa loob ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) Office pasado alas-10 ng gabi matapos na siyam na beses bumusina ang sasakyan.
“Nagpapamasahe ako kay Mang Vic, tapos busina nang busina ‘yung sasakyan, wala namang tao at wala naman dumarating na ibang sasakyan, tinatawag ko si Jerry (striker) naririnig din pala niya hanggang doon sa office ng Theft and Robbery, natakot si Jerry ayaw pumasok ng CR,” ayon kay Ludy Bermudo, reporter ng Ang Pilipino Ngayon.
Ang nabanggit na sasakyan ay nakaparada sa tabi ng MPDPC office.
Nalaman na bukod sa pagbusina,kamakalawa ng umaga habang may ilang pulis at reporter na nakatayo sa lugar ay umilaw at nag-alarma noong Abril 21, ang nabanggit na sasakyan pasado ala-una ng hapon.
“Nagulat kami pati ‘yung mga pulis na andu’n bakit nagkaganu’n”, ayon kay Analou De Vera, reporter ng Manila Bulletin.
Nabatid na ang bangkay ni Seiki Mizuno, 48, ay nasa Archangel Funeral pansamantalang inilagak matapos tamaan ng bala sa leeg mula sa dalawang suspek na riding-in-tandem sakay ng kulay itim na scooter.
Dumating sa bansa ang biktima para bisitahin sana ang kanyang business venture sa pagitan ng Oakwave Philippines Corporation na nasa Cavite nang dinikitan ng mga suspek na riding-in-tandem habang papunta sa isang hotel.
baka senyales na yun pag ang mga salarin na pumatay sa kanya ay malapit din sa area o nandun mismo..sooooo creepy ..