Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte kagab­i na isa sa mga drug personalities sa hawak nitong­ drug matrix ang inambus na judge sa Agusan del Sur na si Judge Hector Salise.

Si Judge Salise ay nasugatan sa isang pananambang kamakailan lamang sa Agusan del Sur.
Ayon kay Duterte, ang judge ay sangkot umano sa case fixing sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Bukod kay Salise ay nasa listahan din ng Pangulo ang maraming barangay captains, mayors, police ­officials, dalawang kongresista at ilan pang mga hukom.

Ang pagtukoy sa third at final drug matrix ng ­Pangulo ay ginawa kagabi sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and ­Community Policing sa Davao City.

Kasabay ng patikim sa kanyang huling drug matrix­ ay muling idinepensa ni Pangulong Duterte ang maigting na kampanya laban sa iligal na droga kung saan marami ang napapatay.

3 Responses