Inaway ni misis, kagawad nagbaril sa ulo

Malubhang nasuga­tan ang isang barangay kagawad matapos pumutok ang baril na itinutok nito sa kanyang ulo habang nasa loob ng kanilang bahay sa Calamba City, Laguna Biyernes ng hapon.

Isang bala ng kalibre 45 baril ang bumaon sa ulo ng biktimang itinago sa pangalang Randy, 41, kagawad ng Brgy. Paciano Rizal.

Nagtalo umano ang biktima at misis nitong si Leah habang nasa loob ng kanilang kuwarto na humantong sa pagkuha ng biktima sa nakatagong baril.
Ayon sa misis, lagi na umanong ginagawa ng biktima ang pagtutok ng baril sa ulo at sinasabing magpapakamatay tuwing sila ay nag-aaway.

Ayon naman kay PCpl. Zidney Divina Manglo, imbestigador, posible aniyang inakala ng biktima na hindi puputok ang ipinapanakot na baril na posibleng may naiwang load dito.

Patuloy namang isinasailalim sa operasyon sa ulo sa Calamba Doctor’s Hospital ang biktima. (Ronilo Dagos)