Muling madadagdagan ang holiday sa Pilipinas matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang ideklara bilang “special non-working holiday” sa bansa ang anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.
Walang tumutol nang ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5686 na gawing non-working holiday ang Hulyo 27, taun-taon na siyang anibersaryo ng nasabing religious group.
Ang nasabing panukala ay inedorso ng pitong kongresista na kinabibilangan nina Quezon City Reps. Winston Castelo at Alfred Vargas; ABS party-list Rep. Eugene de Vera, Palawan Rep. Gil Acosta, Parañaque Rep. Gus Tambunting at Antipolo City Rep. Romeo Acop.
Ayon kay Castelo, layon ng nasabing holiday ay mabigyan, aniya, ng pagkakataon ang mga Filipino na miyembro ng INC na maipagdiwang ang anibersaryo ng kanilang Simbahan.
Mga sipsip. Siyempre sinong pulitiko ang tututol? Pero paano na ang ibang mgs grupo tulad ng El Shaddai at Ang Dating Daan?