Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
9:00 a.m. — St. Benilde vs. JRU (jrs)
10:45 a.m. — San Beda vs. Mapua (jrs)
12:30 p.m. — Arellano vs. Lyceum (jrs)
2:15 p.m. — San Sebastian vs. Perpetual (jrs)
4:00 p.m. — EAC vs. Letran (jrs)
Swak na sa Final Four ang Arellano University Braves pero kailangan pa rin nilang manalo para sa twice-to-beat incentive na ibibigay sa top two finishers pagkatapos ng elimination round ng 92nd NCAA juniors basketball tournament.
Solo sa unahan ang Braves sa 13-1, haharapin sa The Arena sa San Juan mamaya ang nangangailangan ng panalong Lyceum of the Philippines Junior Pirates (6-7).
Para kay Arellano U coach Tylon Darjuan, nagpapanalo ang koponan dahil sa kagustuhan ng kanyang mga bataan.
“We can’t achieve anything if we don’t have the desire to win,” ani Darjuan.
Samantala, krusyal ang paghaharap ng San Beda (12-1) at Mapua Red Robins dahil maaaring sumampa sa No. 2 ang Red Robins kapag nasilat ang Red Cubs.