Mga laro ngayon (The Arena, San Juan) 
9:00 a.m. — San Beda vs. Lyceum (jrs)
10:45 a.m. — Arellano vs. JRU (jrs)
12:30 p.m. — Mapua vs. San Sebastian (jrs)
2:15 p.m. — Perpetual vs. Letran (jrs)
4:00 p.m. — EAC vs. CSB (jrs)

Target ng San Beda Red ang top two sa Final Four at incentive na kaakibat nito, asahang lalabas ang bangis ng Red Cubs kontra Lyceum Junior Pirates sa 92nd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan nga­yong araw.

Nilista ng reigning seven-time champion Red Cubs ang pang-10 panalo sa 11 laro matapos kaldagin ang JRU Light Bombers 86-63 sa kanilang hu­ling laro.

“We hope to win as many games as we can and try to get that twice-to-beat advantage,” sabi San Beda coach JB Sison.

Ibabandera ng San Beda sina Sam Abu Hijle at Joshua Tagala na nag-a-average ng 13.6 at 12 points.

Hindi naman magpapaiwan ang Arellano U Braves, pakay din nilang pataubin ang Light Bombers para manatili sa tuktok ng liderato.

May 10-1 card din ang Braves.

Huhugot naman ng lakas ang Arellano kay Guillmer dela Torre.

Nasa fifth spot ang Junior Pirates tangan ang 6-4 mark, may 2-9 card ang Light Bombers.

Samantala, magkakaldagan din ang Mapua at San Sebastian, haharapin ng Perpetual Help ang Letran habang karambulan ng EAC ang St. Benilde.