Hindi ikinatuwa ng mga domestic worker sa Hong Kong ang 2.4 porsyentong itataas sa suweldo nila kada buwan mula sa HK$4,210 tungo sa HK$4,310.

Itinuturing rin ng mga household helpers na token lang ang 4.2 increase­ sa kanilang food allowance­ na papatak sa HK$1,037 kada buwan.

Ang ipinaglalaban ng mga domestic helpers, kabilang na ng ating mga kababayan, ay ang gawing HK$5,000 ang minimum salary at HK$1,500 ang monthly food allowance.

New contracts

Kung tutuusin, mabuti na rin ‘yung may ­increase kaysa wala, hindi ba? Eh pero hindi naman natin masisisi kung igiit nila ang taas-suweldong­ gusto­ nila. Mind you, a­pplicable lang ang bagong salary at allowance rates sa mga bagong kontrata na pipirmahan sa pagitan ng HK employers at kanilang iha-hire na ­domestic workers.

Tumaas din ang ­suweldo noong 2015 ng 2.4 percent so incremental­ naman pala ang increase at mukhang yearly ang gagawing taas-suweldo.

Take it…

Starvation pay raw ang monthly rates ng domestic helpers sa Hong Kong pero at the end of the day, ang reality eh tinanggap ng mga manggagawa ang kanilang ­salary rates sa ilalim ng kani-kanilang mga kontrata.

Actually, pagdating sa pasuweldo, it’s a take it or leave it affair. Kung ayaw mo ng pasuweldo, bukas ang pinto.

Pero kung wala kang mapuntahan, kapit ka na lang sa patalim o maghigpit-higpit ka ng sinturon.

Weather-weather lang

Hindi naman kasi la­ging tag-ulan at sisikat din ang araw. Weather-weathe­r din lang ‘yan.

Umiikot din ang mundo: Minsan nasa ibabaw ka minsan naman ay nasa ilalim.

Sa pag-set ng increase­s sa salary at allowance, ikinunsidera raw ng HK authorities ang economic­ outlook sa HK gayundin ang umiiral na market conditions.

Kailangan daw na magkaroon ng balance sa kung ano ang maa-­afford ng mga employer na ­pasuweldo at kung ano ang minimum na suweld­o na puwedeng mabuhay ang mga manggagawa.

Come follow Me On Twitter @beeslist. Send your comments on usapang_ofw@yahoo.com or call 551-5163.