Dahil makapangyarihan ang Pangulo at ito ang pinakamataas na lider ng bansa, inihayag ng isang opisyal ng Palasyo ng Malakanyang na Malabo nitong patulan ang incredulous na testigong lalo na’t hindi kapani-paniwala ang pinagsasabi ng inilutang na testigo sa Senado.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, bahala na ang taumbayan na humusga kung may kredebilidad ba o wala ang testigo na si Edgar Matobato.

Napag-usapan na rin aniya ng gabinete sa pa­ngunguna ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at kung anuman ang magi­ging rekomendasyon ng kalihim ay ito ang susundin.

“Pero sa ngayon kasi as it is ‘yung istorya na sinabi ni Matobato it is incredulous talagang hindi kapani-paniwala at ang taumbayan na lang magdedesiyon kasi ito ay nasa live naman sa TV na pina­labas… so ang taumbayan na ang magdedesisyon kasi yung nangyari naman (na hearing sa Senado) in aid of legislation hindi naman talaga ito korte,” ani Andanar sa panayam.

Sinabi pa nito na hintayin na lamang ang pasya ng Pangulo kung talaga bang dededmahin ba nito ang mga ibinabatong alegasyon ng binitbit na testigo ng Senado.

“Kasi alam mo naman ito ay ini-assign sa cabinet we have to first analyze the situation kasi hindi naman ang President sasagot sa isang Matobato hindi naman tama ‘yun. Nasa itaas ‘yung isa tapos ‘yung isa napakaibaba, tapos kuwestiyonable pa hindi justifiable but you know antayin natin kung ano ang magiging pasya ng Pa­ngulo,” eksplanasyon pa ng PCO chief.

17 Responses

  1. bkit iwas si pangulong duterte sa pagsagot sa mga pahayag ni matobato? nagtatanong lang din…dahil batid nating lahat na walang inuurungan si duterte…hindi ba’t ganito rin ang kanyang istilo…atake sa pamamagitan ng media? panahon ito upang masukat ang tunay na tapang ng pangulo…go..go..go.. pres duterte kaya mong sagutin at salubungin si matobato…

      1. that is one good point, thanks…this is the right time for duterte to prove the statement he said before…”kung takot kang mamatay, wag kang mag-presidente”…also, he said that he is not afraid to be removed from the presidency…

      1. ikaw na nga nag assume ako pa tatanungin mo hahaha….di yan palagay mo na lang sundin mo hahaha…..malay ko din bakit hindi sumagot di si duterte tanungin mo hahaha…ako kasi hindi iisang side lang nakikita ko….kung di siya sumagot may dahilan….marami kang pwedeng isipin….kaya ako nag iintay ng sagot nya 🙂 kung bakit, hindi ko iniisip na tama o mali ang pagtahimik niya 🙂

      1. hahaha!! nadidinig mo ba sinasabi mo? nanood ka ba o nakibalita ka lang? tagalog na tagalog ang imbestigasyon na ginawa ke matobato, di mo na intindihan ang mga sagot? bakit kaya di mo uli panoorin at pakinggan ang mga sagot nya…ipinapakita mo lang na bobo ka…bwahaha…isa ka ba sa fans ni matobato? grade 1 daw ang manok mo sabi nya, pero ayon sa eskuwelahan na pinasukan nya, high school ang tinapos ni matobato, doon pa lang sablay na, tinanong tungkol sa masking tape, ang isinagot, packing tape, sablay na naman, tinanong kung ilan na ang napatay nya, mahigit daw isang libo…bwahaha…dinaig pa ang abusayaf…sablay na naman, tinanong kung saan pinatay si king, ang sagot sa mcdo daw, ‘yon daw ang sabi sa kanya, naniwala sa sabi sabi, ‘yon pala sa opisina ni king sya pinatay…nagalit tuloy si jolibee dahil pati sya nadamay…bwahaha…linaw na linaw, walang tumama sa mga sagot, tapos tinanong kung me ebidensya ba na pinanghahawakan, wala daw…bwahaha…saan ang totoo doon? pupunta ka ng gyera, wala kang dalang bala…bwahaha…at sasabihin mo, napakadami mong napatay…ang sabi ni matobato, 30 silang bumaril ke makdum, 200 bala ang tumama, buhay pa din, hinintay pa si duterte para syang bumaril at makapatay, 30 na silang bumaril di pa kasama si duterte…bwahaha…nasaan ang ang sinasabi mong katotohanan doon? tanga lang ang maniniwala ke matobato…ikaw? nainiwala ka ba? kahit walang maipakitang ebidensya?

      2. kc nga, tanga lang ang maniniwala ke matobato, ngaun, kung naniniwala ka sa kanya, katulad ka din nyang tanga at bobo…walang tumama sa itinanong…masking tape lang di pa alam…

  2. Hehehe…palusot pa.kayo kamo baka madulas amg mabahong bunganga nyan pag nakaharap yong kamag anak ni BATO ma si MATO BATO…..nawala ang pagka taklesa ng matandang bayot

    1. explain mo yung falls info ng testigo 🙂 sabi grade 1 siya tapos HS grad pala 🙂 asan ang kredebelidad? may tamang oras sa pag sagot dyan….at ikaw mag isip ka nga…in aid of legislation tas lumalabas parang nag lilitis sila lol…ang layo ng agenda sa realidad na nangyayaring hearing ngaun….amf…kritiko will always be kritiko hahahaha…kesihodang nagsisinungaling basta masiraan lang isang tao 🙂 hay naku…..