Inday titira sa bagong Mansyon ni Gretchen

Ni: Rona Ronda

Proud na ibinahagi ni Gretchen Barretto ang kanyang bagong mansion sa Instagram. Bagama’t hindi pa tapos at kulang pa sa mga kagamitan ay binuksan niya ito para sa malalapit na kaibigan.

Masaya si Gretchen na binisita ng kanyang ina na si Inday Barretto ang kanyang brand new house. Sa Instagram story na ibinahagi ni Raymond Francisco, mahigpit na niyakap ni Gretchen ang ina.

Binanggit din ni Mommy Inday ang plano na tumira sa bagong tahanan ng anak.

Aniya, “Dito na ako kasi marami akong anak dito, eh.”

Dumalo rin sa isang misa si Gretchen kasama ang kanyang ina. Present din sa house tour ang kanyang kapatid na si Claudine Barretto.