MALIGAYA ang Pinoy film aficionados dahil parami nang parami ang venue para sa independent films.

Maliban sa Cinemalaya, CinemaOne Originals, CineManila, CineFilipino, QCinema, atbp. ay ang dami pang ibang nagsusulputang filmfests na umaariba ang indie cinema.

Bagong dagdag dito ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pakana ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) head na si Liza Diño-Seguerra.

12 pelikula ang kasali rito na karamihan ay noon pa tapos, pero walang chance na magkaroon ng theatrical ­release.

Ngayon ay maipapalabas na ang mga ito sa loob ng isang buong linggo sa mga sinehan nationwide.

Mangiyak-ngiyak si Liza sa press launch ng PPP dahil sabi niya, dream come true ito para sa kanya.

Hindi ito kasama sa projects ng FDCP this year dahil kapos sila sa budget, mabuti na lang at pumasok ang Globe Studios bilang ka-partner nila rito.

Mapera ang Globe kaya tuloy ang fiesta ng film fanatics.

Ramdam ng industriya ang pagiging masigasig at agresibo ng mi­sis ni Aiza Seguerra, na parang gusto nitong patunayan sa lahat na hindi nagkamali si Digong sa pag-appoint sa kanya bilang FDCP chair.