PAGKATAPOS ng 13th Cinemalaya (August 4 hanggang 13), gaganapin ang unang Pista ng Pelikulang Pilipino (August 16 hanggang 22).

Halos isang buwan na may indie films sa mga sinehan next month.

Sa Cinemalaya ay pili ang mga sinehan na pagpapalabasan outside CCP.

Sa PPP, wala raw foreign films na mapapanood, kagaya ng taunang Metro Manila Film Festival.

Dito raw nila patutu­nayan na may puwang ang indie films sa commercial theaters.

Sabi ni FDCP Chairman Liza Diño, “Ito ‘yung gamitin nating plataporma para mapatunayan natin that these kind of films can be in cinemas na puwedeng tangkilikin ng audience.

“Kasi, ang tampok na mga pelikula dito, I feel na ma-achieve natin na ‘yung sinasabi nating pagsasama ng quality na audience-friendly.

“Kakaibang genre, kakaibang comedy, kakaibang action… ito ‘yun.”