Industriya ng oto sadsad!

motorista-ismael-amigo

So sad. Sadsad diumano ang auto industry sa bansa. Ang dahilan? Nahulaan niyo. Walang iba kundi ang ipinatupad kamakailan o sa pagpasok ng 2018: Excise tax.

Pumalo diumano sa taas na 38% ang ibinagsak ng car sales sa bansa.

At ‘Pinas lang daw ang nakaranas ng ganitong pagbagsak ng sales sa lahat ng bansang kamiyembro ng ASEAN.

Maging ang Vietnam ay nagpahayag na mas masigla ang kanilang report on sales kumpara sa nakalipas na taon.

Kabaliktaran sa ‘Pinas dahil nga sa kagat ng excise tax na lubhang iniinda ng mga ka-Moto.

Sa mid-year sales report ng bansa, higit sa dalawang libong units ng iba’t ibang brand ng sasakyan ang ibinaba.

Noong July 2017, pumalo sa 86,037 ang nabentang pinagsama-samang uri ng sasakyan­. Samantala ngayong taon ng kasaluku­yang buwan, ay nagtala lamang ang ‘Pinas ng 84,026 in sales.
Sadyang malaki ang diperensya.

Malaki-laki ring kabawasan ‘yan sa pagsi­sikip ng trapiko sa halos lahat ng sulok sa bansa.

Ngunit kahit na ganyan, nananatiling may bahid ng ngiti sa pagmumukha ng mga car manufacturer.

Tatahi-tahimik lang sila pero may namumutawing ngiti sa labi ng mga bossing ng Toyota, Nissan, Hyundai, Mitsubishi, etc., dahil pakiramdam nila muling sisigla ang bilihan ng kotse lalo na ang mga pupwedeng ipasada.

Your guess is as good as mine.

Ito ay may kinalaman sa pagkakaaproba ng prangkisa ng LTFRB sa may limang bagong transport network companies.

Sa inyong mga katanungan o komento, sumulat lamang sa 2015motorista@gmail.com.

To God be the Glory.