Iñigo, kakain ng alikabok kay Santino

Iñigo Pascual

PASALAMAT si Iñigo Pascual (ang only begotten son ni Piolo Pascual) na si Santino Rosales (panganay ni Jericho Rosales) eh mas pini­ling maging fashion model kesa mag-artista.

Dahil kung pinili nitong mag-lights, camera, action, malamang na alika­bok ang pinakain sa kanya ni Rosales.

Si Santino kasi, pang-male super model ang height. He learned the truth at 17 na mas panalo kung he will strike a pose and vogue, walk the runway, and be the bida in fashion editorials or campaigns.

Lesser ang chances na maikumpara si Santino sa kanyang Papa Jericho dahil magkaiba ang fields na kanilang ginagalawan.

Thinking out loud, kung sino man ang biological mother ni younger Rosales, panalo ang union of her egg cell at sperm cell ni Echo.

Si Santino ay lumala­king makisig, maganda ang mukha at tindig.

Soccer player ito kaya alam na alam na sporty, health buff, clean living, lalaking-lalaki ang kulay at dating.

Kumbaga, major, major improvement of the angkang Rosales ang panganay ni Jericho.

What is there not to love kay Santino? Sa isang not so secret pink portal, ang members of the Rosas Pandan Community ay walang patumanggi ang paglulumandi at praises sa anak ni Rosales.

Common of course ang guapo, I love you at ang mga likas na mahaharot, may kiyeme latik na “I want your babies.”

Ang mga hitad naman, “walang dudang daks na daks!” ang mga emotada encarnacion.

‘Kakatuwa na there is one young man na positive na positive ang dating sa madlang pipol.

Eh ang kaisa-isang anak na lalaki ni Papa P?

Ang latest episode eh nagpa-tattoo na medyo malapit sa pelvic bone area, makakatulong ba ito para mas bumongga ang kanyang karera?

Ang mahirap pa sa sitwasyon ni Iñigo, although he loves his papa to bits, hindi sila of equal footing in terms of kagwapuhan ni elder Pascual.

By so many miles and by so many ways, ultimate heartthrob si Papa P.

Hindi kasalanan ni younger Pascual na may taglay na pambihirang gandang lalaki ang kanyang tatay.

Eh siya, hanggang ngayon, parang hinahanap niya pa ang tamang packaging at styling?

As a singer at dancer, hindi siya ganu’n kahusay, at pagdating sa pag-arte, Dial M for Mediocre ang binata.

At dahil pareho sila ng field ni Papa P, ang comparison at contrast sa kanilang dalawa ay hindi maiwasan.

Ang advantage ni Iñigo is his youth, kaya dapat mas maging adventurous at experimental siya when it comes to choosing and picking roles.

He should not fall into the trap of taking the “heartthrob” path dahil ang papa don’t preach niya, eh top leading man pa rin sa Star Magic Kingdom.

May sexy at naughty vibe ang mas batang Pascual, kung aware siya about it, dapat ngayon pa lang may mga pa-kili-kili, ipapakita ko ang pubic bush trail o may mga kagat-labi photos na siya.

Dapat man-boy on the hunt for adventures of the flesh and escapades that involve the exchanges of bodily fluids.

Say good-bye to wholesome at maging Millennial Hot, Young Stud.

Sa inyong pakiwari, sino ang mas dapat mahalin? Sino ang mas dapat lanturin?

Sino ang mas manyorap, si Santino Rosales o si Iñigo Pascual?

Sino ang gusto ninyong makasama sa sexual congress? Sino ang gusto ninyong pakasalan at makasama forevermore?

***

CASSY, ZOREN, CARMINA at MAVY
CASSY, ZOREN, CARMINA at MAVY

At kung may dalawa pang youngbloods na potential matinee idols, ito ay sina Maverick Legaspi at Andres Muhlach.

Si Maverick (o Mavy) ay ang boy sa wonder twin set nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Together with his sister Cassy, ang binatilyong Legaspi ay commercial endorser na, minsan may sing and dance production numbers with his sister sa ASAP, o kaya may mga travel specials siya na kasama ang kanyang pamilya.

‘Yung mga physical requirements of a potential teen idol, lahat meron si Maverick.

Maputi, guapito, matangkad at pareho pang artista ang parents na maayos ang mga karera at buhay.

Ang medyo hindi masyadong nasisilayan dahil his father, the Aga Muhlach and mommy dearest Charlene Muhlach, made a vow na hangga’t hindi tapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak, Atasha and Andres will remain in anonymity.

Eh kaso with the Gonzales and Muhlach genes they have, parehong artistahin ang Muhlach twins.

Si Andres is taller than his tatay Aga, lankier, pero hindi puwedeng ikaila na ang binatilyong ito ang deadringer of his father.

Guaping kung guaping ang young heartthrob na tila hindi pa aware na he has what it takes to become a young prince sa showbiz.

Dramatic actor ang papa, Ms. Universe candidate ang nanay. How can you go wrong with the stock na meron si Andres?

In the nearest future, sakaling gusto nitong mag-artista, walang dudang the doors will immediately open for him.

Ang laudable sa mag-asawang Muhlach, na sana ang ibang mga artistang may mga anak ay gayahin, they shielded their kids from showbusiness.

Ipina-enjoy nila sa mga anak nila ang kanilang childhood. Piling-pili ang mga okasyon at pagkakataon na merong sightings sina Andres at Atasha at tila sa dalawa, nag-rub-off ‘yung magandang pagpapalaki nina Aga at Charlene.

Kahit in their tweens na ang mga ito, hindi pahara-hara sa kung saan at lalong hindi pa ganoon kaatat na ibahagi o ibulatlat ang mga pangyayari sa mga buhay nila sa iba’t ibang social networking sites.

Kung talagang magi­ging showbiz wonders sina Maverick at Andres, only time can tell.

Kapuri-puri ang ginagawa ng mga Legaspi at Muhlach sa mainam at maayos na pagpapa­laki sa kanilang mga anak.

Asahan na lang natin na sa tamang panahon, may chance na magpakilig at magpatibok ng mga puso ang youngbloods na sina Legaspi at Muhlach.