IN fairness to Iñigo Pascual, kahit laking Amerika at kumikita na ng sarili niyang pera ay nakatira pa rin ito sa poder ng kanyang ina.
May ibang bagets kasi na lumaki sa ibang bansa na naging independent at liberated pero hindi nangangahulugan na ang young singer-actor ay nakaasa sa nanay niya o mama’s boy, kaya dito pa rin siya nakatira.
Bilib kami sa unico hijo ni Piolo Pascual, dahil kahit tuluyan na siyang nakakawala sa shadow ng kanyang ama at nakilala na siya ng mga tao dahil sa hit single niyang Dahil Sa ‘Yo ay nanatiling mabuting anak at mapagkumbaba pa rin ito.
Nakakatuwa na napaka-simple pa rin ni Iñigo sa kabila ng kasikatan niya ngayon. Sa payak na tahanan ng kanyang ina sa Barangay Viejo sa Makati pa rin umuuwi ang binata, kahit na kung tutuusin ay afford na niyang lumipat at tumira mag-isa sa isang sosyal na condominium unit sa katabing lugar nila sa Rockwell o malayo sa bahay ng mama niya.
Siyempre, anytime ay pwede ring tumira si Iñigo sa bagong mansyon ng papa niya sa Ayala Alabang village sa Muntinlupa kung saan may sarili siyang kuwarto na kamakailan niya lang nakita, finally, after ayusin mismo ni Papa P.
Last September for his 20th birthday, sa bahay ng ama niya nag-celebrate si Iñigo with his family and close friends from in and out of showbiz, like Darren Espanto, Ylona Garcia, at iba pa.
Tuwang-tuwa pa nga raw that time kay Ylona ang kanyang Lola Amy na mommy ni Piolo. ‘Yun nga lang, waley no’n si Maris Racal na bet daw talaga ni Iñigo, bulong ng aming source, kaya hindi pa raw nakikilala ng kanyang lola.
Ang bukod tanging naging kasalanan lang siguro ni Iñigo sa mama niya ay nang magpa-tattoo siya sa tagiliran ng hips niya na hindi raw siya nagpaalam na eventually ay nalaman din.
Ngayon ay pareho ng may tattoo ang magkabilang tagiliran ng hips niya malapit sa private parts niya.
Para sa tatay niya ay wala naman daw problema nu’ng nagpa-ink siya. Piolo is cool daw.
Napagalitan slight din daw si Iñigo ng Cornerstone management niya, dahil nag-leak daw ang isang photo habang nagpapa-tattoo siya na ang sexy ng dating para sa mga kababaihan at mga beki na hindi niya alam kung paano lumabas sa social media. ()