Inigo sinama ni Jo Koy sa Netlix special

NI: Mildred A. Bacud

Masasabing nakawala na sa anino ng amang si Piolo Pascual si Inigo dahil gumagawa ito ng sariling pangalan sa music industry.

Matapos ang achievements sa international scene marami pang opportunities ang nagbubukas sa batang Pascual.

Ang latest nga ay sinama siya ng sikat na American comedian na si Jo Koy sa upcoming Netflix special na may titulong“Jo Koy: In His Elements.” Magsisimula ang global streaming nito sa June 12.

Sa interview ni Inigo sa ABS-CBN News ay nagpapasalamat siya sa Fil-Am comedian, “I’m a big fan of his work and I think it’s amazing that he’s including his Filipino roots in what he does. He’s got so much love for his supporters, most especially the Filipinos.”

Nakilala ni Inigo si Jo Koy sa show nito sa Los Angeles, California last year. Bilang tanda ng pagkakaibigan nila ay binigyan siya nito ng signature cap at jacket.